PAF ENGINEERS, MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG CLEARING AT LEVELING NG TEMPORARY ROADNETS SA CNIA, LAL-LO, CAGAYAN

Submitted by AFPAO on Fri, 03/06/2020 - 17:56

Matagumpay na natapos ng mga kasundaluhan ng 355th Aviation Engineer Wing ang Clearing at Leveling ng Temporary Roadnets sa Cagayan North International Airport nitong ika-tatlo ng Marso taong kasalukuyan na pinangunahan ni SSg John Landagan PAF, isa sa mga Heavy Engineering Equipment (HEE) operator.

Ayon kay A1C Giljor Ligutom PAF, isa sa mga HEE operator, dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho ay nagawa nilang tapusin ang naturang proyekto ng mas maaga sa itinakdang palugit na inaasahang matatapos sa ika-13 ng Marso taong 2020.

Bukod dito, naisagawa na rin ang kahalintulad na aktibidad sa loob ng nasabing paliparan kung saan itatayo ang perimeter fence sa gagawing pasilidad ng TOWNOL.

Layunin ng proyektong ito ay ang magkaroon ng temporary access road ang naturang paliparan bilang paghahanda sa gagawing  Forward Operating Base ng TOWNOL ng  Philippine Air Force para mas lalong makatugon ang PAF sa pangangailangan ng bansa para sa pagsusulong nito ng tunay kapayapaan at kaunlaran.

(A1C Marlo Viloria PAF)

#TakeTheLeadSoarAsOne

#NTF-ELCAC

#355thAEW