PAF ASH WARRIORS, PATULOY ANG PAGSASAGAWA NG CLEARING OPERATIONS SA TALISAY, BATANGAS

Submitted by AFPAO on Sat, 02/15/2020 - 15:24

Tuloy-tuloy ang clearing operations ng Philippine Air Force na kinabibilangan ng mga kasundaluhan ng 355th Aviation Engineer Wing gamit ang mga heavy engineering equipment at 710th Special Operations Wing na kasalukuyang nasa Poblacion 4, 6 at 8 sa bayan ng Talisay, Batangas.

Nang magsimula ang clearing operations noong Enero 26, 2020 sa Batangas, natapos na nila ang clearing operations sa Poblacion 2, San Guillermo Parish, Municipal Hall Area ng Poblacion 5 at Poblacion 7 ng Talisay, Batangas na kung saan nakapaghakot sila ng ilang truck ng abo at nabuksan ang mga kalsada para sa publiko.

Isa ang bayan ng Talisay, Batangas sa pinakanaapektuhan ng ashfall dulot ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay A2C Gerald Gabo PAF, isa sa mga equipment operator, lubos na nagpapasalamat ang mga residente ng nasabing lugar dahil sa patuloy na pagtulong ng ating mga kasundaluhan sa pagbangon muli ng kanilang bayan.

Ang nasabing aktibidad ay naaayon sa konsepto ng whole of nation approach ng NTF-ELCAC na sumusuporta sa pagbangon muli ng probinsya ng Batangas.

(A2C Jerome Berte PAF)

#TakeTheLeadSoarAsOne 
#NTF-ELCAC
#355thAEW