AIR FORCE ENGINEERS, AGARANG TATAPUSIN ANG PAGAWA NG TEMPORARY LATRINES

Submitted by AFPAO on Wed, 01/22/2020 - 09:30

Inutos ni MGEN ALLEN T PAREDES AFP, Commanding General ng Philippine Air Force na bilisan at tapusin kaagad ang pagtatayo ng temporary latrines, lavatories at shower facilities sa Main Evacuation Center sa Sto. Tomas, Batangas na sinumulan kahapon, Enero 20, 2020 ng 355th Aviation Engineer Wing.

Ayon kay 2LT BOBBY MIKHAIL QUIRAY, ang naatasang mamuno sa misyon, ang layunin ng nasabing proyekto ay upang matugunan ang pangunahing pangangailan ng mga evacuees sa kalinisan at para maiwasan ang pagkakaroon ng anumang sakit na maidudulot kapag walang sapat na palikuran.

Dagdag pa niya, magkakaroon ng 24-hours shifting sa paggawa ng nasabing proyekto upang ito ay agarang matapos at magamit ng mga evacuees sa nasabing lugar.

Ang proyekto na Temporary Latrines o Palikuran ay may bilang na 20 units, sampu para sa babae at sampu para sa lalaki na itinatayo sa Sto. Tomas, Batangas na pinili ng Commander ng Joint Task Group "Taal" na si BGEN MARCELLANO TEOFILO AFP.

(A2C Andjo Res Fernandez)