355TH AEW, NAKAHANDA NG GAWIN ANG EKSTENSYON NG RUNWAY SA VIGAN AIRPORT

Submitted by AFPAO on Sat, 02/15/2020 - 15:19

Nakahanda ng gawin ng mga kasundaluhan ng 355th Aviation Engineering Wing ang ekstensyon ng runway sa Vigan Airport, Ilocos Sur dahil sa pagpapadala nito ng anim na heavy engineering equipment at 17 engineering personnel sa pangunguna ni 1LT JUBITO GANNABAN PAF, na kasulukuyang nagsasagawa ng clearing operations at pagpapatag ng lupa na nagsimula noong ika-tatlo ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ayon kay 1LT GANNABAN, Officer-in-Charge, nasa 0.31 porsyento na ang nagagawa sa nasabing proyekto.
Dagdag pa dito, ang kahalagahan ng ekstensyon ng runway ay upang mapalawak ang naturang paliparan nang sa gayon ay mas maraming sasakyang himpapawid ang makakalapag dito.
Ang proyektong ito ay sumusuporta sa konsepto ng whole of nation approach ng NTF-ELCAC sa pagsusulong ng kaunlaran sa probinsya ng Ilocos Sur.
(A1C Robert Kevin Lintag PAF)