Literature Updates
- Real Journey Begins Right Now Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Dinner for PMA Class 2010
- A Journey Called Life Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Flag raising
- REMARKS OF THE COMMANDING GENERAL, PAF NCOS BALIKYAKAP DOS ALUMNI HOMECOMING 2010/ 38 NCOS Anniversary Celebration
- KEEP INSTEP, MOVE INSTEP, LIVE INSTEP Proposed Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF New Years Call
- Starting It Right In 2010 Proposed Message of Lt General Oscar H Rabena AFP CG, PAF Flag Raising
| Gabayan natin ang ating mga kababayan |
| Saturday, 25 April 2009 16:00 |
|
Ang isang pamayanan, kung nais natin maging makabuluhan, ay dapat gabayan. Ito ang pilosopiyang nasa likod ng ginawa ng 740th Combat Group ng Philippine Air Force noong nakalipas na Biyernes kung saan ang mga piling estudyante ng Lipa ay kanilang inipon sa loob ng Fernando Air Base para gabayan kung ano ang mga impluwensiyang maaring makakasama’t magdiskarel ng kanilang kinabukasan. Ang ganitong pagpupulong ay hindi na bago para sa mga sundalo ng Philippine Air Force sa Batangas. Mga ilang taon na ang nakalipas, noong ako ay naka-assign pa sa Fernando Air Base, sinimulan namin ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga komunidad at iba pang mga sector ng lipunan. Hinangad namin na makita ng taumbayan kung ano ang tunay na patibong na inilatag ng mga grupong gustong hakutin ang mga walang malay para humawak ng baril at lumaban sa gobyerno. Medyo may kahirapan din sa simula. Pero nang Makita na ng mga educators, mga barangay leaders, mga businessmen at transport operators kung ano ang aming gustong ipahiwatig, hindi na kami nahirapan pang tawagin ang kanilang pansin para dumalo sa mga educational awareness seminars na ginawa namin. Sa ngayon, medyo hindi na ganun kahirap para sa mga tauhan ng 740th Combat Group para imbitahan ang mga sector na gusto nilang mapaliwanagan. At ako nama’y natutuwa’t patuloy na nabubuhay ang sinimulan naming programa. Mas nakakataba ng puso dahil sa nakikita ng taumbayan na buo ang organisasyon ng Air Force, na hindi pabagobago ang programa ng mga bagong lider. On the other hand, merong continuity. Ang tanong tuloy ngayon ng ordinaryong tao ay kung bakit pati ang mga sector na walang kinalaman sa giyera ay kinakausap ng mga sundalo. Sa likod ng pagsuot ng uniporme, ang mga sundalong gumagawa ng mga pagpulong sa mga estudyante, laborers, transport operators at urban poor ay sumasagawa lamang ng tinatawag na “peacetime” duty nila. Kung wala nga namang giyera, bakit hindi sila natin gamitin para ipaabot sa iba’t-ibang sector ang mga serbisyo’t pangaral ng gobyernong hindi pa nakakaabot sa kanila? Tama lang naman, di po ba? Ang totoo niyan, ipinapaalam lang ng mga sundalo sa taumbayan kung ano ang galaw ng mga armadong rebelde. Kung ano ang mga pamamaraan ng panlilinlang ng mga ito. Kung ano ang mithiin ng mga ito. Mga bagay na dapat malaman ng taumbayan para hindi sila maloko’t Makita na lamang sa sarili sa kabundukan na may hawak na baril pero di nila alam kung ano ang kanilang ipinaglalaban. Para sa hindi pa nakakaalam, ang mga komunidad sa paligid ng Fernando Air Base ay maaring prime targets ng infiltration ng mga rebelde. Ang mga urban poor communities, katulad ng komudad sa gilid ng riles ng PNR noon, ay siyang maaring gawing pugad ng mga rebelde. Dito sila usually gumagawa ng base, kung saan puwede silang makatago sa pamamagitan ng pagkikipaghalubilo sa ordinaryong mamamayan. Ang masama pa, ang mga komunidad o sector na kanilang pinagtataguan ay kanilang ring ginagamit sa mga anti government activities nila. Ang kalalabasan tuloy nito ay ang buong komunidad ang nababansagan na kontra gobyerno kahit iilan lang ang nagpapagamit sa mga rebelde. Kaya’t mabuti na yung patuloy nating ipaliwanag sa taumbayan kung ano ang mga basics ng kanilang security and safety. At pasalamat tayo sa masigasig na Gawain ng 740th Combat Group ng Philippine Air Force. Medyo pasensyahan na po ninyo sila kung minsan ay tila nagmamadali ang mga ito. Kasi po may gusto nilang makausap ang marami nating mga mamayan. Kasi po sinusuwelduhan sila ng taumbayan kaya’t medyo marami silang dapat gawin. Iilan lang ba naman sila ikumpara sa taumbayan? Pero diyan mo sila dapat hangaan. Pagod na’t lahat, tuloy pa rin ang serbisyo. Ganun kasi kung gusto mong gabayan ang isang pamayanan, dapat halos wala ka na ngang tulog magabayan lang ang kinabukasan ng taumbayan. |
