PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

        opinyon ni Major

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE: 20 October,  2009                MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

COLUMN RE PAF NCO WEEK

 

 

NCO WEEK NG PAF

 

Kamakailan ay ipinagdiwang ang ika-14 na Non-Commissioned Officers Day at ika-40 anibersaryo ng Office of the Armed Forces of the Philippines Seargent Major (OAFPSM).

 

Nakita ko sa isang linggong selebrasyong ito kung paano ang malasakit ng AFP para sa mga kasamahan natin na mga enlisted personel partikular sa PAF.

 

Sa unang dalawang araw ng NCO week ay muling nagsama-sama ang mga Air Force sergeants major at mga Non-Commissioned Officers ng PAF Headquarters para sa  Consultative Meeting/Symposium na ginanap sa  Airmen’s Club sa Villamor Air Base, Pasay City.

 

Ang mga consultative meetings na ito ay nagsisilbi ring venue upag mabigyang tinig ang mga enlisted personnel kung saan ay naipararating, natatalakay at natutugunan ang mga usapin tungkol sa moral, kapakanan at disiplina ng enlisted corps.

 

Hindi rin nalalayo sa puso ng ating mismong Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kasundaluhan partikular na ang mga seargents Major ng AFP dahil naghost pa ito ng lunch meeting para sa kanila sa Malacañang Palace noong Oktubre 14.

 

Kinabukasan, muli namang nagpulong  ang lahat ng Air Force sergeants major at mga Non-Commissioned Officers (NCO)  ng PAF Headquarters at ang kanilang mga counterparts mula sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces upang iprisenta ang pinagsama-samang output mula sa consultative meetings na unang isinagawa sa bawat major service commands.

 

Dito ay nagkaroon ng Open Forum, lecture tungkol sa Leadership Development at mga update sa pinaiiral na AFP policies at programs sa morale and welfare ng enlisted personnel.

 

Bilang pagtatapos ng taunang selebrasyon  na ito ng senior NCOs ay nagkakaroon sila ng gift giving para sa mga AFP Hospitals at Promotion Examinations para sa mga kwalipikadong NCO.

           

Ako ay naniniwala na ang mga makabuluhang aktibidad na ito ay nararapat lamang upang bigyang-halaga ang kanilang sakripisyo at kontribusyon sa PAF dahil sa patuloy na pagta-taguyod na maitanim sa puso at isipan ang core values na InSTEP o ang Integrity, Service, Teamwork at ang Professionalism.

 

Ito ang mahahalagang katangian na dapat taglayin upang i-internalize ng bawat miembro ng PAF ang kahalagahan ng paglilingkod sa Maykapal, sa bansa at sambayanan..

 

 

 

 

 

 

.......
BACK