|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
opinyon ni Major |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE: September 17, 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
Ang matagumpay na Search and Rescue Operations sa Super Ferry 9
Sa katatapos lamang na search and rescue operations sa lumubog na Super Ferry 9 sa Zamboanga del Norte, marami ang sumaludo at humanga sa ginawang mabilis at maayos na pagtugon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force at ilan pang mga commercial vessels upang sagipin ang halos isang libong pasahero ng Super Ferry 9. Sa kabila ng matagumpay na search and rescue operations, ating balikan ang kwento ng Philippine Air Force upang magsilbing inspirasyon sa ating mga taga-subaybay. Ang unang araw ng search and rescue operations ay naitala araw ng linggo, alas kwatro y medya ng madaling araw ng makatanggap ng tawag ang 3rd Air Division tungkol sa palubog na Super Ferry 9 sa Zamboanga del Norte. Ang nasabing barko ay naglalaman ng humigit kumulang isang libong pasaherong pauwi ng Ilo-Ilo at ang barkong sinasakyan ng mga biktima ay tinahak ang Zamboanga peninsula. Agad ipinadala ang dalawang helicopter ng Philippine Air Force kasama ang isang OV-10 upang maghanda at masimulan na ang search and rescue operations. Ang Philippine Air Force ay nagsilbing spotter sa unang araw ng search and rescue operations upang ma-rescue ang mga survivors na nagkahiwa-hiwalay dahil sa mabilis na agos ng tubig at mga alon. Ang maraming vessels na galing mula sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard at sa iba pang commercial vessels ang nagsilbing taga-pulot ng mga pasaherong kumalat na sa dagat. Ang Philippine Air Force ang siyang nagsilbing mata sa mga vessels upang mabilis na masagip ang mga biktima. Sa ikalawang araw, ipinagpatuloy naman ang paghahanap sa area ng pinaglubugan ng barkong Super Ferry 9 gamit ang Angel 321 kasama ang apat na pararescue personnel upang masagip ang natitira pang buhay. Dahil sa taglay na mala-agilang mata ng mga piloto ng Philippine Air Force, nakita nila ang isang survivor na naka-life vest, patuloy na kumakaway at humihingi ng tulong. Agad nilang sinagip ang babaeng ginaw na ginaw dahil isang araw nagpalutang-lutang sa dagat. Ang biktima ay nakilalang si Gng. Lita Casunlum, 37 taong gulang, tubong Dadiangan, Ilo-Ilo. Dinala si Casunlum sa ospital ng Philippine Air Force sa Edwin Andrews Air Base upang mabigyan ng karampatang lunas. Ang search and rescue operations na isinagawa ng Philippine Air Force ay pagpapatunay sa tungkuling maging operationally responsive to peace and development of the country. Ito ang battle cry ng Philippine Air Force na isinusulong ng kanilang Commanding General na si Lt. Gen. Oscar H. Rabena, upang maging tunay ng operationally responsive para sa bansang Pilipinas. Ang lahat ng ito ay pruweba na ang Philippine Air Force ay handang tumulong kahit saan mang panig ng bansa at kahit ano pa mang panganib, ito ay kayang kaya nilang suungin. Ang Philippine Air Force ay nagsilbing magandang halimbawa ng responsableng search and rescue operations. Ito ay isang pagapatunay na kahit ano pa mang panganib ay kanilang haharapin upang mailigtas ang buhay ng kanilang mga kababayan.
|
|
|
|
|
|
| ....... |