|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
opinyon ni Major |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE: August 27, 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
Kasaysayang ng kagitingan ng mga sundalo
Ang inyo pong mababasa ay isa na nanamang kabayanihan na ipinakita ng Philippine Air Force sa kanilang katatapos lamang na search and rescue operations. Ito ay isang ala-alang kikintal at kailan ma’y hindi na mabubura sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.
Ang bagyong Kiko ay hindi nagpa-awat sa pag-iwan ng matinding bakas sa Luzon at Visayas. Ang pina-igting nitong hanging habagat ang nagdulot ng walang tigil na pag-ulan.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang malakas na buhos ng ulan ay nagdulot ng matinding pagbaha na siya namang naging dahilan ng pagkasira ng Bucao Dike sa Botolan, Zambales.
Lalong bumilis ang pagtaas ng tubig at lalong tumindi ang pagra-gasa ng baha, kung kaya naman ang mga residente ng Botolan Zambales ay dali-daling umakyat sa bubungan ng kanilang mga tirahan at doon naghintay ng sasaklolo sa kanila.
Ika-pito ng Agosto taong kasalukuyan, ganap na alas-kwatro ng madaling araw, agad na rumesponde ang mga tauhan ni TOG 3 Commander, Col. Edgar de Vera upang mailikas ang mga residente. Nang makatanggap ng balita ang Headquarters ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base, Pasay, agad nitong pinadala ang dalawang helicopter kasama na ang 505th search and rescue team upang mailigtas ang mga residente na nasa bubungan ng kanilang mga tirahan at ang iba naman ay nakasabit sa mga punong kahoy.
Isang libong residente ang mahigit na naapektuhan, kabilang na ang malaking bilang ng mga bata. Ang tubig baha ay umabot sa limang talampakan at naapektuhan din nito ang may sampung barangay kabilang na ang San Juan, Paudpod, Carael, Tampa, Pako, Beneg, Kapayawan, Bangan, Batonlapol at San Miguel.
Sa pagtulong na ginawa ng Philippine Air Force sa Botolan Zambales, makikita rito ang diwa ng bayanihan at taos-pusong pagtulong. Kahit napakalakas at napakabilis ng pag-ragasa ng tubig, hindi nito napigilan ang Philippine Air Force upang matulungan at maisagawa ang search and rescue operations.
Hindi pa rin matatawaran ang katangi-tanging katapangan na ipinamalas ng Philippine Air Force upang makatulong sa bawat rescue operations na kanilang gagawin. Kailanman, hindi nila inuuna ang kanilang mga sarili bagkus patuloy nilang inaalay ang kanilang mga sarili upang makatulong at mapaglingkuran ang bawat Pilipino sa kahit ano pa mang panganib na maaring harapin.
Nawa’y ang mga pangyayaring ito ang magbukas sa ating mga isipan na maging handa sa kahit ano mang naka-ambang mga panaganib. Ito ay mga pangyayaring magsisilbing aral at mananatiling buhay sa ating mga ala-ala. Ngayon po palang 24 ng Agusto ay araw ng kapanganakan ng aming Commanding General na si Lt Gen Oscar H Rabena. Happy birthday, Sir!
|
|
|
|
|
|
| ....... |