PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

        opinyon ni Major

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE: 20 October,  2009                MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

COLUMN RE PAF CONTINGENCY PLAN

 

PAGHAHANDA NG PAF SA BAGYONG RAMIL

 

Sa mga nakalipas na buwan ay sunod-sunod na bagyo ang dumating sa bansa.  Nito lamang buwan ng  Oktubre ay dalawang bagyo na, ang Ondoy at Pepeng, ang agad na pumasok sa area of responsibility ng Pilipinas na nag-iwan ng malaking pinsala sa buhay at mga ari-arian.

 

Di pa nakakabangon ang ating mga kababayan, eto na naman ang bagyong Ramil na maaring lalo pang lumakas at maging isang super typhoon na muling tatama sa mga bayan sa Pangasinan, La Union, Ilocos provinces, Batanes, Cagayan at Baguio City.

 

Hindi ito ipinagkikibit balikat ng ating mga otoridad kaya agad na ipinag-utos ni Defense Secretary at National  Disaster and Coordinating Council chairman Gilbert Teodoro Jr ang “prepositioning” ng mga government assets at disaster response and relief teams.

 

Sa mga ganitong panahon, ang PAF ay lagi namang nakahanda upang tumugon sa anumang emergency situations para sa kinakailangang disaster relief operations na patunay lamang ng pagiging operationally responsive nito.

 

Maagap na nagsasagawa ng monitoring ang PAF sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Ramil at ang pagtaya sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan ng emergency supplies, government assets, manpower at relief goods.

Nakaalerto na ang mga PAF units at mga eroplano nito sa Luzon para sa posibleng pagsasagawa ng search and rescue at relief operations.

 

Dito makikita natin ang mahalagang papel ng PAF  dahil meron silang expertise sa search and rescue missions at malaking tulong ang kanilang mga eroplano sa pagbibigay ng responde sa mga isolated at impassable areas at ang pagbibiyahe ng relief at medical supplies.

 

 

 

 

 

 

.......
BACK