PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

        opinyon ni Major

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE: 28 October,  2009                MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

COLUMN RE PAF SA PAGGUNITA NG UNDAS

 

PAF SA PAGGUNITA SA UNDAS

 

Bahagi na ng kultura at tradisyong Pilipino na sa tuwing sasapit ang Nobyembre 1 at 2 ay ginugunita natin ang All Souls’ Day at All Saints Day, o ang Araw ng mga Patay.  Mataas ang pagpapahalaga natin sa kaugaliang ito lalo na kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng close family ties at pagbibigay respeto sa mga yumao.

 

Sa mga ganitong panahon ay makikita na natin ang iba sa ating mga kababayan na nag-aayos ng puntod at naglilinis ng paligid nito. Kadalasan pa nga nagsisilbi ring reunion ang pagkakataong ito para magkita-kita ang magkaka-mag anak. 

 

Dito po ay nakikita ko na hindi pala talaga biro ang maging sundalo. Maraming sakripisyo ang kaakibat ng unipormeng aming suot. Isa na po rito ang pagkakawalay sa aming pamilya kaya nauunawaan po natin ang kasabikan lalo na para sa mga kasamahan nating military personnel, na makauwi at makapiling ang kanilang pamilya kahit man lang sa Araw ng Undas.

 

Ito ang dahilan kaya patuloy na nagpapaalala ang aming Commanding General na si Lt Gen Oscar H Rabena AFP sa lahat ng PAF personnel na maging mabuting example at manatiling disiplinado sa lahat ng pagkakataon.  Mula sa pananamit hanggang sa pananalita at pagkilos ay dinadala namin ang pangalan ng PAF kaya dapat lamang na i-observe natin lagi ang proper decorum.

 

Sa ganitong panahon ay asahan na rin ang walang patid na dagsa ng tao, siksikan mapabata man o matanda sa mga sementeryo. Normal na rin ang masikip na daloy ng trapiko kaya ipinapayo din sa ating mga kasamahan sa military service manatiling mahinahon upang makaiwas sa anumang posibleng pagmulan ng kaguluhan.

 

Sa panig naman ng ating mga kababayan ay hinihikayat natin sila na sumunod sa ipinatutupad na mga tuntunin sa pagdalaw sa ating mga yumao tulad ng pagbabawal sa pagdadala ng anumang matatalim na kagamitan o mga nakalalasing na inumin.

 

Dapat ding iwasan na makaabala tayo sa ibang taong tulad ng labis na pagkaka-ingay.

Kinakailangan na isaalang-alang din natin ang safety and security consciousness sa ating paligid at maging handa sa anumang pagkakataon.

 

Sa kabuuan, ang buong PAF ay nakikiisa sa pag-aalay ng dalangin na sana patuloy nating mapanatili ang maayos at matiwasay na pag-alaala sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Mag-iingat po tayong lagi.

 

 

 

 

 

 

.......
BACK