PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

        opinyon ni Major

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE: 22 October,  2009                MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

COLUMN RE BLESSING NG PAFGH OPD

CHILD FRIENDLY NA PAFGH-OPD

Kadalasan ng problema natin ang pagpa-konsulta ng ating maliliit na mga anak sa ospital. Madali silang matakot kung hindi kaya ay iritado o mabagot isipin pa lamang ang atmosphere ng ospital.

Bilang bahagi ng pagpapahalaga sa kapakanan ng buong Air Force family ay gumawa ng hakbang ang PAF na nasa pamumuno ni Lt Gen Oscar H Rabena AFP upang  i-address ang bagay na ito.

Kamakailan lamang, Oktubre 21, ay isinagawa ang blessing ng lalong pinaganda at child-friendly environment na Out-Patient Department ng PAFGH.

Ang bagong mukha ng OPD ay resulta ng pakikipag-ugnayan ni Brigadier General  Joel Marayag AFP at ng PAFGH na nasa pamumuno ni Col Joseph Acosta MC (PAF)GSC  kay Ms Connie Angeles, Executive Director for Health and Medical Program ng SM Foundation.

Sinabi ni Major Blanca Nieves V Ortizo MC (PAF), Officer-in-Charge  ng OPD na ang layunin ng SM Foundation na matulungan ang mga government hospitals sa pamamagitan ng mga programang tulad nito.

Malaking tulong aniya ito dahil sa pamamagitan ng suporta ng SM Foundation ay naisagawa ang re-painting at renovation ng isang sulok ng OPD ng PAFGH na magsisilbing “recreation center”.

Buhay na buhay ang mga kulay at ginawang interesante ang paligid sa recreation center na siyang mag-aalis ng tensyon para sa mga batang pasyente. 

Dito makikita rin ang mga donasyong facilities para sa mga bata tulad ng playpen na may folding slides, seesaw, hammock, picnic table at samu’t saring laruan.

Hindi na rin maiinip ang mga nasa waiting area dahil mayroon ding donasyong television set para mapanuoran hindi lamang ng mga bata kundi pati ng kanilang mga nakatatandang kasama.

Nakakatuwa na makita ang bunga ng pagsisikap ng PAF na maging child-friendly ang aming ospital.

Sa ganitong paraan ay napahahalagahan ang kalusugan ng ating mga batang dependents dahil hindi lamang natutugunan ang kinakailangan nilang medical attention sa pamamagitan ng mababait at maasikasong hospital personnel natin, kundi nabibigyan din sila ng magandang impresyon na ang ospital ay lugar na hindi dapat katakutan.

 

 

 

 

 

 

.......
BACK