PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

       Broadcast Balita

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE: Nov 20,  2008                MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

SQUADRON OFFICER COURSE CL 61 GRADUATION

 

Dalawampu’t anim (26) na opisyal ang nagtapos ng Squadron Offier Course Class 61 (2008B) kanina na ginanap sa Agunod Hall ng Air Force Officer School (AFOS) sa Villamor Air Base, Pasay City.  Binubuo ang klase ng dalawamput apat (24) na captain, isang (1) major at isang (1) reservist.

 

Panauhing pandangal sa nasabing okasyon si Major General Rolando F Capacia, Commander ng Air Education and Training Command. Iginawad ni Maj Gen Capacia, na inasistehan ni AFOS commandant, Colonel Arturo Jose G Orticio Jr., ang mga sertipiko sa mga SOC graduates bilang katunayan ng kanilang pagkumpleto sa kurso. Tampok sa graduation ceremony ang pagbibigay ng mga parangal at pagkilala sa mga natatanging miembro ng SOC Class 2008B kung saan labing pito rito ang individual awards.

 

Ang apat (4) na buwan at (2) dalawang lingong kurso na ito ay nagsimula nitong Hunyo ng kasalukuyang taon. Idinesenyo ang pormal na pagsasanay na ito upang maihanda ang mga naturang opisyal bilang middle-level managers.

 

 

 

 

.......
BACK