|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
Broadcast Balita |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE 24 SEP 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
BALITANG BROADCAST 24September 2009
“KAWAL ANG TEACHER KO”
Isang matandang kasabihan na sa atin na “ang karunungan ay kayamanan at hindi mananakaw ninuman”. Hindi na bagong bagay ang patuloy nating pagpapahalaga sa karunungan dahil ito ang magdadala sa atin sa tagumpay balang-araw.
Ngunit hindi lahat sa ating mga kabataan sa kasalukuyan ang mayroong kakayahang magkaroon ng pormal na pag-aaral dahil na rin sa iba’t ibang factors at iilan lamang dito ang kahirapan, kawalang kapayapaan at kaguluhan sa kanilang lugar.
Ito po ang isa sa pinagsisikapan natin sa Philippine Air Force, ang maging katuwang ng Armed Forces of the Philippines at ng gobyerno upang magbigay pag-asa para sa isang magandang kinabukasan, sa pamamagitan ng payapa at maunlad na bansa.
Kaya kamakailan lamang, Setyembre 18, ginanap ang pagtatapos ng serye ng “Kawal Ang Teacher Ko” Project ng 600th Air Base Wing ng PAF na nasa pamumuno ni Brig Gen Francisco N Cruz Jr AFP at sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Mabalacat, na ginanap sa Atlobola Elementary School sa Mabalacat, Pampanga.
Tatlong paaralan sa Mabalacat ang nagbenepisyo sa ilalim ng halos isang buwang proyektong ito. Ang mga ito ay ang Atlobola Elementary School, Cacutud Elementary School at Northville Elementary School.
Nagsilbi ang mga 600th ABW personnel bilang instructors sa mga short courses tulad ng basic computer literacy, home economics, health and sanitation, sports development, dancing at basic drawing.
Kasabay ng isinagawang pagtatapos ay nagkaroon din ang 600th ABW at Rotary Club of Mabalacat ng libreng medical dental, feeding program, libreng gupit at reflexology sessions.
Nagbigay din ang mga ito ng donasyong 300 monobloc chairs at desks, sports equipment at school supplies para sa mga estudyante.
Hindi naman nabigo ang PAF na sa mumunting paraan nito ay nakapagbigay inspirasyon sa mga kabataan at umani naman po ng respeto at paghanga sa mga katulad naming mga nasa uniformed service.
Hindi po kami magsasawa na patuloy na itaguyod ang mga ganitong community projects at mananatili ang pagsisikap naming na abutin ang ating mga kababayan lalo na ang mga nasa far-flung areas. |
|
|
|
|
|
| ....... |