PIO  HOME

AFP

ARMY

NAVY

PAF PUBLICATIONS

 

       Broadcast Balita

                        

 Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force

            Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City

              Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529

          Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com

 

 DATE 17 SEP 2009                      MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR

                                                        Director, PIO

 

 

BALITANG BROADCAST

17 September 2009

 

 

8th ANNIVERSARY NG 740th CG

 

Puno ng pasasalamat ang 740th Combat Group, kilala bilang “Thinking Warriors”, na nasa ilalim ng 710th Special Operations Wing ng Philippine Air Force sa katatapos na selebrasyon ng kanilang ika-walong anibersaryo kamakailan (Setyembre 14) na may temang “Thinking Warriors: Preserving Peace to Advance Development.”.

 

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Col Ramiro G Busalanan PAF (GSC), 710th SPOW Commander, ang taos-pusong pagbati sa 740th Combat Group para sa walong taong pagbibigay nito ng malaking karangalan, di lamang sa PAF kundi pati sa buong Armed Forces of the Philippines, dahil sa napakarami nitong accomplishments na patunay lamang ng kanilang dedikasyon at commitment sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at tagapagtaguyod ng pambansang pag-unlad.

 

Sa isang simpleng seremonya para sa nasabing okasyon, pinangunahan ng 710th SPOW Commander, kasama si 740th Group Commander Lt Col Arnel Villaruel, ang paggagawad ng parangal sa mga natatanging 740th CG personnel at  mga indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na patuloy na sumusuporta sa grupo.

 

Ilan sa mga binigyan ng pagkilala si Lipa Archbishop, Most Reverend Fr. Ramon C Arguilles, DD; Batangas Governor Vilma Santos-Recto at PAF Public Information Office Director, Lt Col Gerardo Zamudio Jr.

 

 

 

 

 

 

.......
BACK