|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
Broadcast Balita |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE 28 October 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
. BALITANG BROADCAST 22 October 2009
BLOOD DONATION AT RELIEF OPERATIONS NG PAF
Isang grupo na binubuo ng (7) pitong Air Force enlisted personnel at isang civilian employee ang nagboluntaryo sa isinagawang bloodletting activity sa Philippine General Hospital (PGH) na pinamunuan ng National Capital Regional Command.
Umaabot sa 3,600 cc ng dugo ang nakuha mula sa grupo ng PAF. Hinihikayat ng taunang aktibidad ang mga miembro ng Armed Forces of the Philippines na nakabase sa NCR na mag-donate ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangang pasyente ng PGH.
Samantala, isang team naman ang ipinadala sa Laguna at Pasig upang ipagpatuloy ang relief operations sa mga lugar na patuloy pa ring nakalubog sa baha dulot ng bagyong Ondoy.
Mayroong 210 bags ng relief goods ang ipinamahagi ng mga miembro ng Task Force Ondoy sa Barangay Landayan sa San Pedro, Laguna kahapon. Isa pang grupo ang nagtungo naman sa Pinagbuhatan sa Pasig upang magdistribute ng relief goods sa remote at isolated area na nagdaranas pa rin ng hanggang baywang na baha.
|
|
|
|
|
|
| ....... |