|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
Broadcast Balita |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE 28 October 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
BALITANG BROADCAST 21 October 2009
BLESSING NG PAFGH-OPD
Ginanap ngayon ang blessing ceremony para sa lalong pinaganda at child-friendly environment na Out-Patient Department ng Philippine Air Force General Hospital sa loob ng Villamor Air Base sa Pasay City.
Una rito ay pinangunahan ni PAF Commanding General Lt Gen Oscar H Rabena AFP at Ms Connie Angeles, Executive Director for Health and Medical Program ng SM Foundation ang pagpapasinaya o unveiling ng marker para sa bagong pintura at renovated area na magsisilbing recreation center para sa mga batang pasyente.
Sinundan ito ng pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng PAFGH at SM Foundation tungkol sa pagdo-donate ng SM ng mga facilities para sa mga bata tulad ng playpen na may folding slides, seesaw, picnic table, assorted toys at donasyong television set para para sa waiting area.
Sa nasabing programa ay binigyan naman ng pagkilala ni Gen Rabena ang SM foundation para sa patuloy na suporta nito PAF sa pamamagitan ng mga proyekto na nagpapahalaga sa kapakanan ng buong Air Force family.
Sinabi ni Major Blanca Nieves V Ortizo MC (PAF), Officer-in-Charge ng OPD na ang bagong mukha ng OPD ay resulta ng pakikipag-ugnayan ni Brigadier General Joel Marayag AFP at ng PAFGH na nasa pamumuno ni Col Joseph Acosta MC (PAF)GSC kay.Ms Angeles ng SM Foundation na naglalayong matulungan ang mga government hospitals tulad ng PAFGH.
|
|
|
|
|
|
| ....... |