|
AFP |
ARMY |
NAVY |
PAF PUBLICATIONS |
|
|
Broadcast Balita |
|
Public Information Office, Headquarters Philippine Air Force Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City Telefax (632) 853-5023 local: 6629/6529 Email: pio@paf.mil.ph & paf_pio@yahoo.com
DATE 28 October 2009 MAJ GERARDO M ZAMUDIO JR Director, PIO |
|
|
|
. BALITANG BROADCAST 22 October 2009
AFP PHOTO EXHIBIT, SUPORTADO NG PAF
Buo ang suporta ng Philippine Air Force sa limang-araw na photo exhibit ng Armed Forces of the Philippines na nagpapakita ng kapabilidad at kagitingan ng AFP sa pagbibigay ng humanitarian assistance at disaster response.
Ito ay matapos saksihan ni PAF Vice Commanding General Major General Rolando Capacia AFP, kasama ang Command staff at PAF personnel, ang pagbubukas ng aktibidad kahapon sa 2nd Floor Pavilion Area ng SM Mall of Asia sa Pasay City.
Una ng pinangunahan kahapon ni AFP Chief of Staff Gen Victor S Ibrado at Miss Annie Garcia, Presidente ng SM Supermalls ang ribbon cutting ceremony para sa photo exhibit na ito na nagtatampok sa napakahalagang papel na ginampanan ng AFP sa rescue, relief at rehabilitation efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.
Sa nasabing okasyon ay ginawaran ng pagkilala ang mga natatanging AFP personnel na aktibong lumahok sa rescue at relief operations. Nakatakdang magtapos ang aktibidad na ito sa Oktubre 25. |
|
|
|
|
|
| ....... |